June 5, 2019

Gising!, Bertdey Mo Na.

06.04.2019

A Birthday Gift from: bagwissinagtala


Dumating na naman ang bagong umaga.
Gigisingin ba kita (Siyempre! Kasi bertdey mo na!).
O hahayaang managinip?

Ihehele ba kita sa matatamis na salita.
O sasampalin ng mga talinghaga sa mukha? (Bakit hindi, e bertdey mo nga!)

Nangapit-bahay ka habang kalam ang sikmura ng mga kapatid.
Binusog ang mga mata, ilong, tainga, panlasa at pandama.
Lumipas ang maghapong may galak sa dibdib.
Uuwi kang salat ang bulsa.
Sinabi sa sarili na sulit ang karanasan.
Katwiran mo’y dugo at pawis mo naman.
Lahat ng ginasta sa layaw ng mata at laman.

Kakain, kakanta, matutulog, magpipinta.
Titipa ng keyboard, manonood, magkukuwento ng masaya.
Uuwi, mag-iisa, iisip ng magagawa.
Mabuburyo, mag-e-FB, magla-like, pupusuan pa nga.
Malulungkot, iiyak, magagalit, magmumura.
Hihikab, magpapaypay, ipipikit ang mga mata.
Hihilik, maglalakbay, hanggang mailigaw ng nasa mong aba.

Sa muling pag-gising. Hindi pa rin mulat.
Magtatanong (O baka hindi na).
Saan nga ba papunta.
Bakit nandito (Ewan).
Nalimot, O baka wala ng pakialam.

Sa pagkapilas ng dahon.
May Kalendaryong itatapon.
At mga bagong retratong ikakahon.
Mga bagong dilang kaututan.
Sa mga dating tagpuan.
Mga bagong palad na kaapir-an.
Sa mga okasyong ‘di mabilang-bilang.

Sa susunod na taon ulit.
Baka sakaling gising ka na.
Sana magising ka na.
Inaantay ka na nila.

4 comments:

Nortehanon said...

Oh, hey! Belated happy birthday, Steve! Dapat kahapon pa ako pumunta para umabot ako sa cake hahaha!

Thank you so much for visiting my blog and for leaving some comments. God bless! Hope you had a blast celebrating your big day.

Steven Que said...

Hello Miss N! I am very happy to see you here in my blog! Thank you very much po for the warm greeting, never too late :) God bless you and I'll frequent your blog :)

Kenneth Cole Schneider said...

Happy Birthday, Steven! I could not copy the poem into Google Translate.

Steven Que said...

Thank you very much Kenneth! That means a lot :) This poem was a gift to me by one of my teammates at work. It's all about waking up to what's more important in life, into service to others, into finding life's meaning through helping other people.